TITIYAKIN | Ilang mambabatas, tiwalang naaayon sa konstitusyon ang panukalang BBL

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na umaayon sa konstitusyon ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay Zubiri, ang BBL ay malaking hakbang para sa matagalang kapayapaan sa Mindanao.

Tiwala naman si Anak Mindanao Representative Amihilda Sangcopan na makakapasa sa constitutionality test ang BBL.


Pero tulad ni House Speaker Pantaleon Alvarez, aminado din si Sangcopan na pwede pa ring makwestyon ang BBL sa Korte Suprema.

Facebook Comments