TITIYAKIN | Itatatag na Bangsamoro Government, hindi maaring bumili ng mga armas

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senator Koko Pimentel na hindi magagamit ng mga dating rebeldeng Moro ang pondo ng itatatag na Bangsamoro Government para bumili ng baril at magpalakas ng pwersa.

Ayon kay Senador Pimentel, may inilagay na probisyon sa BBL si Senator Antonio Trillanes iv na nagbabawal na bawasan ng pambili ng mga baril ang taunang taunang budget ng Bangsamoro Government.

Sabi ni Pimentel, ang nabanggit na probisyon ay sinuportahan ng mga senador at ng mga kasapi ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) na bumalangkas ng BBL.


Kasapi ng BTC ang mga lider ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na pinaniniwalaan ni Pimentel na walang balak magpalakas ng pwersa at sa halip ay magsusuko pa ng mga armas sa pamahalaan.

Facebook Comments