Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na pananagutin nila ang lahat ng may kinalaman sa anomalya hinggil sa 60 million peso advertisement deal ng Department of Tourism (DOT) na pumasok sa programa ng broadcaster na si Ben Tulfo.
Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagpahayag na dapat umusad ang ligal na proseso sa usapin para mapanagot lahat ng nakinabang dito.
At kahit wala na aniya silang magagawa rito, tiniyak ni Roque na hindi pa ligtas sa asunto si Tulfo.
Matatandaang, kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang 60 million peso advertisement contract ng dot sa ilalim ng pamumuno ni dating Tourism Secretary Wanda Teo at ng PTV na pumasok naman sa programa ng kapatid nito.
Facebook Comments