TITIYAKIN | Mga employer sa private sector, oobligahing magsumite ng compliance report ukol sa 13th month pay

Manila, Philippines – Oobligahin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer sa pribadong sektor na magsumite ng compliance report hinggil sa 13th month pay ng mga empleyado.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, kailangang magpasa ng report ang mga employer sa DOLE Regional Office hanggang January 15 kung kanilang sinunod ang mandato.

Anya, kailangang isama sa compliance report ang pangalan at address ng establisimiyento, pangunahing produkto o negosyo, kabuang bilang ng mga empleyado at halaga ng 13th month pay na tinanggap ng bawat isa sa mga ito.


Facebook Comments