TITIYAKIN | Mga estudyanteng magpopositibo sa drug test, hindi gagawing basehan para ma-kick out ayon sa DepEd

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na hindi magiging basehan para ma-kick out ang isang estudyante na magpopositibo sa drug tests.

Ito ay kasabay ng ikakasang random drug testing ng DepEd sa mga public at private secondary schools sa bansa batay na rin sa DepEd department order no. 40.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang mga mag-aaral na lalabas na positibo ay magiging basehan para sasailalim sila sa prescribed intervention program sa ilalim ng supervision ng DOH-accredited facility o physician o private practitioners.


Facebook Comments