TITIYAKIN | MRT, tiniyak na hindi magtataas ng pasahe

Tiniyak ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) na hindi ito magtataas ng pamasahe oras na simulan ang rehabilitasyon sa railway system.

Pahayag ito ng Department of Transportation (DOTr) kasunod ng pagpirma ng Pilipinas sa P18-billion loan agreement sa Japan.

Inaasahang tatagal hanggang taong 2022 ang proyekto kung saan sakop nito ang rehalibilitasyon at maintenance ng lahat ng subcomponents ng MRT-3 tulad ng electro-mechanical system, power supply, rail tracks at depot equipment.


Magkakaroon din ng general overhaul sa 72 light rail vehicles.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Timothy John Batan – mahigpit ang utos ni DOTr Secretary Arthur Tugade na huwag munang magtaas ng singil hangga’t walang nararamdamang pagbabago ang mga pasahero.
Taong 2015 pa nang huling nagtaas ng pamasahe ang MRT.

Facebook Comments