TITIYAKIN | MWSS, tiniyak na hindi maipapasa sa consumer ang corporate income tax ng dalawang water concessionaires

Manila, Philippines – Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS na hindi nila papayagan na ipasa sa mga consumer ang corporate income tax ng Maynilad at Manila Water.

Ito ay matapos mabulgar na kasali sa hirit na dagdag singil ng dalawang water concessionaire ang pagpasa sa mga consumer ng kanilang corporate tax hanggang sa susunod na limang taon.

Batay sa kwenta ng grupong UFCC Water for All Reform Movement, nasa P132 bilyong buwis ang nais ipasa ng dalawang water concessionaire sa mga consumer.


Kaya apela ni Bayan Muna Representative Neri Colmenares, dapat ipakita sa kanila ang business plan ng dalawang water concessionaire para mahimay at mabusisi.

Nagbanta naman ng kaso si Vic Dimagiba, presidente ng Laban Konsyumer kapag hindi sila binigyan ng kopya ng petisyon ng dalawang water concessionaire.

Nabatid na Agosto pa ilalabas ng MWSS ang desisyon sa hirit na dagdag-singil ng Maynilad at Manila Water.

Nasa P8.30 per cubic meter ang hirit na dagdag-singil ng Manila Water habang P11 sa Maynilad.

Facebook Comments