TITIYAKIN | National ID system, inaasahang mapipirmahan ni P-Duterte bago mag-adjourn ang kongreso

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na aaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang national I.D system bago mag-sine-die adjournment ang kongreso sa Hunyo.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malakas ang consensus ng gabinete na kailangan na magkaroon ng national I.D system sa bansa.

Gayunman, wala pa aniya sa lamesa ng Pangulo ang panukala dahil dadaan pa ito sa Bicameral Conference Committee ng dalawang kapulungan ng kongreso.


Sinabi rin ni Roque na nakapaloob na sa 2018 national budget ang national I.D system.

Sa national I.D system, bibigyan ng isang unique identification number ang bawat Filipino na magsisilbing number na rin niya sa SSS, GSIS, PhilHealth, PAG-IBIG at clearance application sa NBI, PNP at maging sa mga hukuman.

Facebook Comments