TITIYAKIN | NBI hindi magpapa-pressure sa kanilang ginagawang imbestigasyon sa nakalusot na mga shabu

Manila, Philippines – Tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi sila magpapadala sa anomang pressure sa kanilang ginagawang imbestigasyon sa umano ay nakalusot na mahigit 6 na bilyong pisong halaga ng shabu sa GMA Cavite na isinilid umano sa mga magnetic lifter.

Sa Press briefing sa Malacañang ay sinabi ni NBI Spokesman Atty. Ferdinand Lavin na gagawin nila ang kanilang trabaho nang hindi magpapadala sa anomang impluwensiya mula sa kanino man.

Tiniyak ni Lavin na ibabase nila sa ebidensiya ang kanilang gagawing imbestigasyon sa pamamagitan ng forensic procedures para malaman kung may nakalusot ngang iligal na droga o talagang ispekulasyon lamang ito ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.


Inihayag ni Lavin na bumuo na sila ng task force na siyang nakatutok sa kaso dahil mahigpit ang direktiba sa kanila ni Justice Secretary Menardo Guevarra magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa kaso upang malaman ang buong katotohanan.

Facebook Comments