Manila, Philippines – Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na wala nang gagawing pag-aresto sa mga tambay.
Sa interview ng RMN DZXL Manila kay NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, naglabas na siya ng direktiba sa lahat ng kaniyang mga district directors na hindi puwedeng arestuhin ang mga indibidwal na pagala-gala sa kalye na walang nilalabag na ordinansa.
Pero, nilinaw ni Eleazar na mahigpit pa ring ipapatupad ng PNP ang mga umiiral na mga local ordinances gaya ng pagbabawal sa pag-inom sa mga public places, paninigarilyo sa pampublikong lugar at paglalakad sa kalye na half naked.
Kasabay nito, nagbabala si Eleazar na pananagutin ang mga pulis na mapapatunayang may paglabag sa probisyon ng warrantless arrest sa mga tambay.