TITIYAKIN | NFA, nangako na hindi na mauulit ang zero buffer ng bigas sa mga merkado

Manila, Philippines – Tiniyak ni NFA Administrator Jayson Aquino na hindi na mauulit ang nangyaring nasaid ang murang bigas sa merkado ngayong naipakalat na sa bansa ang mga inangkat na bigas galing Vietnam at Thailand.

Dumating na sa Port of Manila ang nasa 500,000 metric tons ng bigas na galing Thailand.

Matapos na ipa-recieve sa bodega ng NFA, agad na idinineliver ang 1.6 million bags na bigas sa may 450 na accredited outlets sa Quezon City, lungsod ng Maynila at San Juan City.


Unang iniinspeksyon ni Rebecca Olarte ang apat na outlet sa Commonwealth Market na nakatanggap ng tig 50 bags na ibinebenta na muli sa presyong 27 at 32 pesos per kilo.

Sa Munoz market, mismong nagsaing naman si NFA Administrator Jayson Aquino ng Thai rice saka tinikman.

Aniya, magugustihan ito ng mga mahihirap na mamimili dahil masarap at maalsa.

Ang Thai rice ay maputi ang butil at maikukumpara sa bigas na presyong 43 pesos sa palengke.

Aniya, babantayang mabuti ng NFA ang distribusyon ng mga inangkat na bigas para matiyak na walang mangyayaring hoarding o pagtatago o pagpapalit nito ng mga mapagsamantalang negosyante.

Isang team ang itatag ni Aquino na magmo-monitor sa paghahatid ng mga ito sa pamilihan.

Hinimok din niya ang publiko na isumbong sa 8888 ang sinumang magtatangkang mag hoard o itago o palitan ang mga inangkat na bigas.

Facebook Comments