TITIYAKIN | Noche Buena items, bahagya lamang tataas – DTI

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade & Industry (DTI) na maliit lamang ang magiging pagtaas sa presyo ng mga Noche Buena items.

Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo sa naging una nilang pagtaya nasa 3-8% ang posibleng itaas ng mga Noche Buena items tulad ng ham, keso de bola, fruit cocktail, pasta, all-purpose cream at iba pa.

Pero base sa kanilang actual computation, 1-4% o maliit lamang ang magiging pagtaas sa presyo ng mga Noche Buena items.


Kasunod nito inihahanda na ng ahensya ang ilalabas nilang suggested retail price (SRP).

Posible aniyang sa kalagitnaan ng Oktubre 15 ilabas na nila ang SRP ng mga Noche Buena items na magiging gabay naman ng mga mamimili.

Facebook Comments