Manila, Philippines – Tiniyak ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na tuloy ang kaniyang paglaban sa katiwalian sa harap ng kaniyang pagreretiro sa Hulyo 26.
Ayon kay Morales, inaasahan na niyang hindi pa matatapos ang mga banat laban sa kaniya dahil sa mga inimbestigahang kaso ng Ombudsman.
Aniya, handa naman siyang dumepensa rito.
Inamin naman ni Morales na may ilang personalidad at mga grupo ang nanliligaw sa kaniya na maging aktibo sa publiko.
Pero hindi aniya siya sasabak sa politika.
Giit pa ni Morales, ipinagbabawal din sa batas ang pagtakbo niya sa susunod na eleksiyon.
Facebook Comments