Manila, Philippines – Tiniyak ni Senadora Cynthia Villar na susuportahan nito ang pagpasa sa rice tariffication bill.
Nabatid na kabilang ito sa mga panukalang batas na pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso.
Ayon kay Villar, malaki ang maitutulong nito lalo na sa mga palay farmers dahil madadagdagan pa ang kanilang produksyon kada ektarya mula apat hanggang anim na metrikong toneladang bigas.
Sinabi pa ni Villar, maipapasa ang panukala pero ang problema ay ang rice tariffication sa Asean, kung saan makakapagpataw lamang ng 35% tariff sa bigas.
Aniya, ang pinakakalaban ng Pilipinas pagdating sa bigas ay ang Vietnam na nakakapag-produce ng mas murang bigas .
Ang rice tariffication bill ay layong amyendahan ang Agricultural Tariffication Act of 1996.