Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagbibigay ng proteksyon sa mga susukong miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ito ay sakaling pigilan sila ng mga aktibong kasamahan na bumalik sa normal na pamumuhay.
Ayon kay AFP Spokesman, Brig/Gen. Edgard Arevalo – committed ang gobyerno na masiguro ang kaligtasan ng mga rebel returnee at mabigyan ng maayos na pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.
Una nang nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga rebeldeng komunista na sumuko at makipag-usap sa mga konsehal ng lokal na pamahalaan o sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Facebook Comments