TITIYAKIN | Pagbuwag sa Road Board, ipaglalaban ng Senado

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senator Panfilo Ping Lacson na ipaglalaban ng Senado ang ipinasang panukala na bumubuwag sa Road Board.

Pahayag ito ni Senator Lacson sa harap ng paghahangad ng Kamara na bawiin ang ipinasa nilang panukala na bumubuwag sa Road Board na inadopt at ipinasa din ng Senado.

Nanindigan si Lacson na dapat mabuwag ang Road Board dahil ugat ng katiwalian ang iregularidad na paghawak nito sa kinokolektang motor vehicle user’s charge o road user’s tax na umabot na sa multi bilyong piso.


Diin naman ni Senate President Tito Sotto III, malinaw sa ipinasa nilang panukala na buwag na ang Road Board at ito din aniya ang gustong mangyari ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments