Tiniyak ni MPD District Director Chief Supt. Rolando Anduyan na magiging mapayapa sa kabuuan ng pagdiriwang ng ika-46th Anniversary ng martial law.
Ayon kay Anduyan inaasahan na ng MPD na magiging mapayapa ang pagdiriwang ng batas militar dahil naglunsad na sila tinatawag na “Talakayan para sa Mapayapang Paggunita ng Martial Law” kung saan inanyayahan ang ibat-ibang militanteng grupo para pag-usapan ang kanilang mga gagawing aktibidad.
Paliwanag naman ni NCRPO Regional Director Chief Guillermo Eleazar inanyayahan nila ang mga lider ng ibat-ibang militanteng grupo upang maging mapapaya ang kanilang gagawing kilos protesta ay magpapakalat sila ng apat na libong pwersa ng mga pulis.
Dagdag pa ni Eleazar kabilang sa lugar na babantayan ng MPD ang Plaza Salamanca, Bonifaci Shrines, Liwasang Bonifacio, Plaza Miranda kung saan magtipon-tipon ang Black Marcos at Mendila Bridge habang magsasagawa rin ng hiwalay na kilos protesta ang United Peoples Action at Pro-Duterte.