TITIYAKIN | Panukalang 2019 national budget, hindi tatapyasan – CGMA

Tiniyak ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa Malacañang na walang mangyayaring pagtapyas sa propose ₱3.757 trillion 2019 national budget.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr. – patuloy na pagbubutihin ng mababang kapulungan ang panukalang General Appropriations Act (GAA) bilang tugon na rin sa panawagan ng ilang mambabatas.

Aniya, nananatiling intact ang proposed budget ng gobyerno at walang intensyon ang House Speaker na bawasan ito.


Itinanggi rin ni Andaya ang mga espekulasyon na babawasan ng Kamara ang budgetary proposal ng Kongreso.

Facebook Comments