TITIYAKIN | PBA handang magbigay ng mga player sa Gilas Pilipinas

Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine Basketball Association (PBA) na handa pa rin nitong suportahan ang Gilas Pilipinas.

Ayon sa pamunuan ng Asia’s first play for pay league, nakahanda ang PBA na magpahiram ng mga manlalaro sa pagsabak ng Men’s National basketball team sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Inaasahan kasi ang posibilidad na may masuspindeng mga player ng Gilas na nasangkot sa rumble noong Lunes kontra sa Australia.


Siyam na player ng Gilas habang apat naman sa Boomers ang pinatalsik sa laro dahil sa gulo.

Inaasahan na ilalabas anumang araw ang desisyon ng FIBA sa insidente base na rin sa isinasagawa nitong imbestigasyon sa nangyaring suntukan, tadyakan at batuhan ng silya sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Facebook Comments