TITIYAKIN | PNP, tiniyak na nasusunod ang police operational procedures kontra sa ilang threat groups

Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na nasusunod ang police operational procedures sa lahat ng operasyon kontra sa ilang threat groups sa Mindanao.

Ito ay kasunod ng pag-apruba ng Kongreso ng one-year extension ng martial law sa rehiyon.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – ang mga tauhan na naka-deploy sa Mindanao ay nasa ilalim ng mahigpit na kautusan na igalang ang karapatang pantao at ang rule of law.


Pinuri rin ni Albayalde ang Kongreso na palawigin pa ang batas militar hanggang sa katapusan ng 2019.

Ani Albayalde – mabuting balita ito para sa mga residente ng Mindanao lalo at mahigpit na mababantayan ag seguridad at mapapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kabila ng ilang banta mula sa extremist at communist groups.

Binigyan diin din ng PNP chief ang kahalagahan ng martial law sa paglaban sa rebelyon at terorismo.

Facebook Comments