TITIYAKIN | Pondo para sa mga may sakit na cancer, inihahanda na ng gobyerno

Manila, Philippines – Tiniyak ni Committee on Appropriations Chairman Karlo Alexei Nograles na aaprubahan ng kanyang komite ang pondo para tugunan ang mga pangangailangan ng mga may-sakit na cancer.

Sa ilalim ng National Integrated Cancer Control Program o House Bill 6210 na inihain mismo ni Nograles, magsisilbi itong framework sa lahat ng cancer-related activities ng pamahalaan.

Dahil aniya nagging pangunahing concern at sanhi ng kamatayan ng mga Pilipino ang cancer, layunin ng panukala na maibaba ang mortality, bigyan ng kaalaman, magkaroon ng access sa gamutan at suportahan ang recovery at reintegration ng mga cancer-survivors.


Magkakaroon din ng Cancer Assistance Fund para sa mga mahihirap na kung saan magiging pangunahing mapagkukunan ng pondo dito ay mula sa 10% ng incremental revenue mula sa excise tax ng mga sin products na alak at sigarilyo.

Inaatasan din ang PhilHealth na palawigin ang sakop na benepisyo para sa screening, detection, diagnosis, treatment assistance, supportive care, survivorship follow-up care at rehabilitation para sa lahat ng uri ng sakit na cancer.

Facebook Comments