TITIYAKIN | Presyo ng mga pangunahing bilihin walang magiging paggalaw sa loob ng 3 buwan – DTI

Manila, Philippines – Nangako ang ilang manufacturers sa Department of Trade and Industry (DTI) na walang magiging paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo majority ng mga manufacturers ang hindi magdadagdag singil hanggang sa Nobyembre.

May ilan pa nga aniyang nangako na hanggang sa susunod na taon ay mananatiling stable ang presyo ng basic goods and prime commodities.


Maglalabas din aniya ang DTI ng Suggested Retail Price (SRP) para sa mga pangunahing bilihin na magsisilbi namang gabay ng mga consumers.

Paliwanag pa ni Castelo saka-sakali mang tumaas ang presyo ng mga basic goods and prime commodities bago matapos ang taon ay hindi ito masyadong mararamdaman ng mga mamimili.

Facebook Comments