TITIYAKIN | PRRD, hindi nagpabaya sa usapin ng inflation – giit ng Malacañang

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na hindi nagpapabaya si Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa usapin ng inflation.

Ito ay matapos lumabas sa survey ng Pulse Asia na mayorya ng mga Pinoy ang naniniwalang “inflation” ang numero unong dapat tutukan ng gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi natutulog sa pansitan ang Pangulo gaya ng pinalalabas ng oposiyon.


Sabi pa ni Roque, inaasahan ng mas magiging matatag ang presyo ng mga bilihin sa merkado kapag dumagsa na ang imported rice at iba pang agricultural product na inangkat mula sa ibang bansa ng pamahalaan.

Aniya, prayoridad ng palasyo ang mga problema na pinakamalapit sa sikmura ng publiko kumpara sa isyu ng charter change na lumabas na pinakamababa sa mga isyung may paki-alam ang taumbayan.

Facebook Comments