TITIYAKIN | PRRD, tiniyak na nasa tamang pangangalaga ang pondo ng bayan

Hindi dapat malumbay ang publiko sa pinapasan nilang buwis.

Ito ang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pagtiyak na hindi niya hahayaang lumaganap ang korapsyon sa gobyerno sa ilalim ng kanyang pamamahala.

Siniguro ng Pangulo, na nasa tamang pangangalaga ang pera ng bayan.


Kung sino man aniya na mapapatunayang may bahid ng korapsyon ay hindi siya mag-aalangang sibakin ito.

Matatandaang nagbigay ng go signal ang Pangulo na ituloy ang pagpapatupad ng ikalawang bahagi ng dagdag na excise tax sa langis sa susunod na taon.

Ang second tranche ng fuel excise tax ay nakamandato sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Facebook Comments