Manila, Philippines – Pinatitiyak ni Senate President Tito Sotto III sa Department of Trade and Industry (DTI) na hindi maabuso ng ilang negosyante ang ipinatutupad na comprehensive tax reform program.
Ayon kay Sotto, hindi pa siya kumbinsido na suspendihin ang TRAIN law sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Aniya, mandato ng DTI at iba pang kaukulang ahensya na protektahan ang publiko mula sa mga abusadong negosyo.
Kapag walang ginawang aksyon ang DTI, ang kongreso na ang kusang gagawa ng hakbang sa susunod na buwan at ito ay sa pamamagitan ng pag-amyenda sa TRAIN law.
Una rito, sinabi ni Senador Koko Pimentel, Chairperson ng Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship na magsasagawa sila ng pagdinig ukol sa epekto ng TRAIN law sa tumataas na presyo ng mga bilihin.