TITIYAKIN | SP Sotto, tiwalang hindi papalag si Trillanes sakaling arestuhin siya

Manila, Philippines – Tiwala si Senate President Tito Sotto III na walang mangyayaring hindi maganda sakaling maglabas ng arrest order ang Makati Regional Trial Court o RTC Branch 148.

Para ito sa hiling ng Department of Justice (DOJ) na pagbuhay sa kasong kudeta ni Senator Antonio Trillanes IV kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang-bisa sa kanyang amnesty.

Ayon kay Sotto, hindi pa nila napag-uusapan ni Trillanes ang hinggil dito.


Pero tiwala si Sotto na hindi papalag si Trillanes at maayos na sasama sa mga arresting officers.

Dagdag pa ni Sotto, kung hihilingin ni Trillanes ay papayag naman siyang samahan ito ng mga miyembro ng senate sergeant at arms hanggang mahihatid sa kulungan.

Facebook Comments