TITIYAKING MATUTUGUNAN | Kahandaan ng Dengue/Dengvaxia Express Lane sa ilang ospital sa Metro Manila, ininspeksyon ng DOH

Manila, Philippines – Pinangunahan ni Health Secretary Francisco Duque III, ang pag-iinspeksyon sa Dengue/ Dengvaxia Express Lane sa mga ospital na nasa ilalim ng Department of Health.

Ilan sa mga naispeksyon ay ang East Avenue Medical Center sa Quezon City, Philippine Children’s Hospital at Quirino Memorial Medical Center.

Layon ng inspeksyong ito na matiyak na kayang tugunan ng mga ospital ang mabilisang pangangailangan ng mga pasyenteng naturukan ng Dengvaxia vaccine na kakikitaan ng sintomas ng Dengue.


Muli ring ipinaalala ng DOH na walang dapat bayaran sa pagpapaospital ang mga Dengvaxia-vaccinated patients.

Kaugnay nito, hinihikayat naman ng DOH ang mga magulang o guardian ng mga bata na sakaling mayroong mga pasaway na ospital ang hindi susunod sa mandato ng DOH, agad na isumbong sakanilang tanggapan sa numerong ‎711- 1001 o ‎711- 1002.

Facebook Comments