Titser ng isang unibersidad sa Cebu City inaresto dahil sa reklamong pangmomolestiya

*Inaresto ng mga polis ng Fuente Police Station sa lungsod ng Cebu ang isang guro ng isang unibersidad matapos inireklamo ng kanyang babaeng estudyante dahil sa pangmomolestiya.*
*Sa ginawang imbestigasyon ng Women and Children Protecton Desk ng Fuente Police station, nalaman na nangyari ang pangmomolestiya Lunes ng hapon Agusto 7 sa loob ng laboratory department.*
*Ayon sa 21 anyos na estudyante, na hinawakan ng titser ang masilang bahagi ng kanyang katawan.*
*Wala siyang nagawa maliban sa pag-iyak nang umuwi sa kanilang bahay at isinumbong ang pangyayari sa kanyang mga magulang.*
*Isinumbong na din ng pamilya ng biktima ang ginawa ng 24 anyos na guro na ayaw munang pangalanan sa management ng unibersidad para sa kaukulang aksyon.*
*Samantala ayaw na munang magsalita ang guro sa reklamong isinampa laban sa kanya.*
*tags: DYHP RMN CEBU Unang Radyo Unang Balita Straight to the Point Aida Tampus **Guro pangmomolestiya inaresto*
Virus-free. www.avg.com <#DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments