Manila, Philippines – Target ng Land Registration Authority (LRA) na gawing fully-digitized ang lahat ng mga manually-issued title.
Kasunod ito ng paglulunsad ng LRA sa mga pinakabago nitong programa na anywhere-to-anywhere at Land Titling Computerization Project (LTCP).
Ayon kay LRA Deputy Administrator Atty. Robert Leyretana – sa ilalim ng LTCP, gagawin nang digital ang kopya ng mga titulo sa pamamagitan ng tinatawag na E-Title para hindi ito magamit sa scam o masira ng baha o sunog.
Samantala, sa programang anywhere-to-anywhere, pwede nang makakuha ng titulo ng lupa sa pinakamalapit na registry of deeds office basta mayroong letter of request o transaction application form at isang valid ID.
Pero paglilinaw ni Atty. Leyretana, hindi nila gagawing online ang pagsusumite ng mga nabanggit na dokumento para masiguro ang seguridad ng mga impormasyon.