Ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform Region 1 sa mga magsasaka ng Pangasinan ang sariling titulo ng lupang sinasaka, farm machineries at mga support services sa Alaminos City, Pangasinan.
Ayon sa ilang magsasakang benepisyaryo, malaking tulong ang mga makinaryang ipinamahagi upang tumaas pa ang kalidad ng kanilang produksyon ng palay.
Mula sa anim na distrito sa lalawigan ang mga naturang benepisyaryo.
Ayon sa tanggapan, nasa 60,000 na ang kabuuang bilang ng mga benepisyaryong napagkalooban ng kanilang mga sariling titulo ng lupang sinasaka sa buong rehiyon uno.
Bukod sa mga makinarya, ipinamahagi rin sa mga magsasaka ang mga fertilizer kung saan malaki rin ang maitutulong dahil sa taas ng presyo nito ngayon.
Patuloy umano ang pagsuporta at isasagawang pamamahagi ng mga titulo ng lupa upang hindi na mabaon pa sa utang ang mga magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨