Titulong “National Artist”, noon pa dapat iginawad sa aktres na si Nora Aunor

Iginiit ni ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran na noon pa dapat ibinigay sa aktres na si Nora Aunor ang titulong “National Artist”.

Si Nora Aunor na Nora Cabaltera Villamayor sa tunay na buhay ay itinanghal na “National Artist for Film and Broadcast Arts”.

Ayon kay Taduran, panahon na para ibigay sa aktres ang natatanging pagkilala makaraan ang ilang beses na binalewala noon ang nominasyon ni Aunor.


Kung tutuusin aniya, noon pa dapat ibinigay kay Aunor ang pagkilala lalo pa’t hindi naman matatawaran ang husay nito sa pagganap sa mga pelikula gayundin ang hindi na mabilang nito na parangal na natanggap dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Nagpasalamat naman ang kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte sa paggawad ng parangal sa kapwa niya Bikolana na ang dedikasyon at husay sa pag-arte at pagganap sa mga makabuluhang pelikula ay karapat-dapat namang tularan.

Facebook Comments