TIWALA | Coach Guiao, tiwala sa mga bagong hugot na player sa Team Pilipinas

45

Tiwala si national head coach Yeng Guiao na mahihirapang malaman ng basketball team ng Iran ang mga bagong hugot nitong mga players sa Team Pilipinas.

Ayon kay Guiao, umaasa siyang malaki ang mga maitutulong ng mga bagong players ng national squad na sina Scottie Thompson, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter at Ian Sangalang.

Sigurado daw na magugulat ang Iran sa mga players na ito dahil mga bagong mukha ang babandera sa Team Pilipinas kung saan wala din silang ideya kung anong magagawa ng mga ito.

Sa kabilang banda, naging pamilyar na rin ang national team sa Iranian squad dahil sa ginawa nilang scouting mula pa noong Asian Games.

Facebook Comments