TIWALA | Duterte Administration, kaya ng solusyunan ang kahirapan ng bansa sa pagsapamamagitan ng pagsama-sama ng 13 agencies

Manila, Philippines – Naniniwala ang grupo ng Biyaya ng Pagbabago na matutuldukan na ang kahirapan sa bansa matapos na magsama-sama ang 13 ahensiya ng gobyerno kabilang ang TESDA, DSWD, NAPC at iba pang ahensiya para bumuba sa tao at alamin ang kanilang mga pangangailangan sa buhay.

Ayon kay Presidential Commission for the Urban Poor Chairperson Atty.Noel Felongco, hinikayat nila ang publiko na makiisa sa kanila sa pamamagitan ng pagbuo ng mga organisasyon o asosasyon upang sila na mismo ang magdala sa gobyerno ang kanilang mga pangangailangan.

Paliwanag naman ni John Labrador, Director for Luzon Office of Participatory Governance, nag-Roll Out na aniya ang Biyaya ng Pagbabago kung saan lahat ng mga programa ng gobyerno ay dederetso na sa tao sa pamamagitan ng Office of Participatory Governance.


Sa panig naman ni QC Mayor Herbert Bautista, direkta na aniyang makikinabang ang publiko sa programa ng pamahalaan kung saan ang 13 Agencies ay karamihan ay nakatutok sa Poverty Alleviation program ay nagkaisa na nagsama sama para magbibigay ng basic services.

Giit ng naturang mga opisyal hindi na mahihirapan ang taongbayan na humingi ng tulong sa gobyerno dahil mararamdaman na nila ang direktang tulong ng Duterte administration.

Facebook Comments