TIWALA | Inflation sa susunod na taon mas bababa pa – DBM

Manila, Philippines – Malaki ang tiwala ng Department of Budget and Management (DBM) na babalik sa 2% hanggang 4% ang inflation rate sa bansa sa pagpasok ng 2019 hanggang 2020.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ang kanilang projection ay dahil sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin na nagpapataas ng inflation pati na ang pressure sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ibinida din ni Diokno na ang inaasahan nilang mababang inflation rate ay dahil na rin sa mga hakbang ng pamahalaan para madagdagan ang supply ng pagkain sa merkado.


Paliwanag ni Diokno, ang mga food items ang mabilis magpagalaw ng inflation partikular ang bigas, karne, gulay at isda.

Sa ngayon aniya ay matatag ang presyo at supply ng bigas sa merkado at sapat din naman aniya ang manok at baboy sa mga pamilihan.
Matatandaan na ngayong araw ay inianunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba na sa 6% ang inflation rate para sa Nobyembre, mula sa dating 6.7 % noong nakaraang Oktubre.

Facebook Comments