TIWALA | Kumpirmasyon ng CA kay Locsin bilang DFA Secretary, ikinatuwa ng Palasyo

Manila, Philippines – Tiwala ang Palasyo ng Malacañang sa kakayahan ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na maprotektahan, maipagtanggol at maipatupad ang foreign independent policy ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ng Malacañang matapos makalusot sa Commission on Appointments si Locsin at pormal na ngayong mauupo bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, naniniwala sila sa kakayahan ni Locson na mapoprotektahan ang interes ng bansa sa international Community at mapoprotektahan din nito ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.


Sinabi ni Panelo, bilang isang abogado ay matututukan ni Locson ang interes ng mga pilipino lalo na ang soberenya ng bansa.

Kasunod ng kumpirmasyon sa CA ay ipinahayag ni Locsin na bitbit niya sa pamamahala sa DFA ang kanyang “brand of diplomacy na magrerepresenta ng tunay na kahulugan ng independent foreign policy ng administrasyon.

Facebook Comments