TIWALA | Liderato ng Senado, umaasang magtatagumpay si Guerrero na linisin ang BOC

Manila, Philippines – Hangad ng mga senador na magtagumpay si Bureau of Customs o BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero na linisin mula sa katiwalian ang ahensya.

Kumbinsido si Senate President Tito Sotto III na seryoso si Guerrero matapos itong umapela sa mga tauhan ng BOC na huwag dungisan ang kanyang pangalan kaakibat ang pagtiyak na gagamitin ang lahat ng kanyang kapangyarihan laban sa mga tiwaliang kawani ng ahensya.

Umaasa si Senate President Pro Tempore Ralph Recto, na matutupad ni Guerreo ang mga salitang binitiwan kahit mahirap itong gawin.


Tiwala naman si Senator Chiz Escudero sa kakayahan at mabuting intensyon ni Guerrero sa BOC.

Ayon kay Escudero, mahalagang mapag-aralang mabuti ni Guerrero ang kalakaran sa BOC para hindi sya mapaikutan ng mga tiwaling empleyado at opisyal nito.

Facebook Comments