Manila, Philippines – Tiwala ang Malacañan na hindi magdudulot ng tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas ang nangyaring pagsadsad ng BRP Gregorio del Pilar sa Hasa-hasa Shoal sa West Philippines Sea.
Ang de Pilar ay isa sa tatlong hamilton-class cutters ng Philippine Navy na nakuha mula sa U.S. Coast Guard noong 2011.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque – patuloy ang mga ginagawang hakbang para maialis ang sumadsad na barko ng Pilipinas.
Nanawagan din ang palasyo na huwag nang mag-isip ng anumang espekulasyon hinggil sa pagtulong ng China sa retrieval ng BRP del Pilar.
Facebook Comments