TIWALA | Malacañang tiwalang hindi mauubos ang supporters ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Hindi nababahala ang Palasyo ng Malacañang na baka talikuran si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang mga katolikong supporters matapos ang kanyang pahayag tungkol sa Diyos.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kahit noong nagdaang presidential elections ay may mga nabanggit na si Pangulong Duterte na mga maaanghang na pananalita patungkol sa Santo Papa dahil sa trapik pero natanggap naman ng taumbayan kung ano talaga ang Pangulo.

Paliwanag pa ni Roque, posibleng ito talaga ang gusto ng sambayanang Pilipino, wag ka lang magpakaplastic, puwede kang tanggapin.


Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte kagabi sa kanyang talumpati na sinasadya niya ang kanyang mga pahayag patungkol sa Diyos para alugin ang puno o Shake the trees para makita o malaman niya kung hanggang saan ang hangganan.

Facebook Comments