TIWALA | Malacañang, tiwalang matatanggal din agad ang total deployment ban ng mga OFW sa Kuwait

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na posibleng hindi permanente ang total deployment ban na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Overseas Filipino Workers sa Kuwait sa harap narin ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mismong si Pangulong Duterte naman ang nagsabi na kapag mayroong nabuong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait ay baka maaari din namang tanggalin ang deployment ban.

Sa ngayon aniya ay walang kasunduan na nabubuo pa sa pagitan ng dalawang bansa kaya hindi parin natatanggal ang deployment ban.


Sinabi ni Roque na marami ang issue sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait pero ang mahalaga aniya ay humingi na ng patawad ang pamahalaan sa ginawang rescue operations ng embassy officials sa mga distressed OFW’s.

Facebook Comments