Manila, Philippines – Tiwala ang Palasyo ng Malacañang na mayroong paraan para makumbinsi ang mga Senador na suportahan ang Charter-change na magbibigay daan sa Federalismo na isinusulong ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, maraming paraan para hikayatin ang mga Senador para umusad sa Senado ang pagpapalit ng sistema ng pamahaan.
Sinabi ni Roque na tututukan nila ang pagpapakalat ng mga metrito o mga magiging magandang epekto ng Federal form of government.
Matatandaan na sinabi ni Senador Panfilo Lacson na patay na sa Senado ang Charter change at hinihintay nalang itong macremate.
Matatandaan na sinabi na ng malacanang na lahat ng gabinete ni Pangulong Duterte ay magtatrabaho para ipaalam sa publiko ang magiging benepisyo ng Federalismo.