TIWALA | Mga Senador, nakatitiyak na magagampanang mabuti ni Senator Honasan ang pamumuno sa DICT

Manila, Philippines – Tiwala ang mga Senador na kayang kayang gampanan ng mahusay ni senator gringo honasan ang pamumuno sa Department of Information and Communications Technology o DICT.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, kahit mami-miss nila si Senator Honasan ay tiwala silang may mahalaga itong magagawa sa DICT.

Pinuri naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ang tahimik na pagsisipag ni Honasan kaya tiyak aniyang matutgunan nito ang hamon kaugnay sa pagpili ng ikatlong telecommunication company na hindi maglalagay sa alanganin sa ating pambansang seguridad.


Sabi naman ni Senator Grace Poe, kailangan ng DICT ang isang katulad ni honasan na epektibo at may dedikasyon sa pagganap sa kanyang trabaho.

Kumpyansa si Senator Poe na mapapawi ni Honasan ang pangambang maisapeligro ang pambansang seguridad sa pagpasok ng bagong telco.

Tiwala din si Senator Joel Villanueva sa kakayahan ni Senator Honasan base sa ipinakita nitong integridad at dedikasyon sa serbisyo-publiko.

Good luck naman ang mensahe nina Senators Chiz Escudero at Kiko Pangilinan kay Honasan.

Buo naman ang paniniwala ni Senator Sherwin Gatchalian na ang mahabang karanasan ni honasan sa gobyerno ay magpapabuti sa kalidad at serbisyo ng telecom operators sa ating bansa.

Diin naman Ni Senator Panfilo Ping Lacson, malaking bagay na alam ni Senator Honasan ang kahalagahan ng DICT sa pambansang seguridad at pagpa-unlad sa ating ekonomiya.

Facebook Comments