Tiwala ng foreign investors sa bansa, lalo pang nadagdagan dahil sa Dutertenomics

Manila, Philippines – Ibinida ni Transportation Sec. ArthurTugade na nadaragdagan na ang tiwala ng investors sa Pilipinas dahil sakanilang isinusulong na Dutertenomics kung saan nakapaloob ang mgainfrastructure projects ng pamahalaan.
 
  Sa naganap aniyang bilateral meeting sa pagitan ngpamahalaan at may-ari ng air asia na si Tony Fernandez sinabi nitong handa si Fernandezna palawakin pa ang operasyon ng Air Asia sa Pilipinas.
 
  Sinabi pa aniya ni Fernandez na kung papayagan ng batasay handa rin siyang tumulong sa pagpapatayo at pagsasaayos ng airports sabansa.
 
  Patunay aniya ito na mainit ang pagtanggap ng mganegosyante sa economic projects ng administrasyon.
 
  Dagdag pa ni Tugade, maganda rin na hindi puro pagsugposa kriminalidad at katiwalian lalo na sa iligal na droga ang nakikita kundi samga isinusulong din nitong proyektong pang-ekonomiya.

Facebook Comments