Matatag pa rin ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa bansa, ito ay dahil mataas ang reinvested earnings at patuloy na tumataas ang Foreign Direct Investment o FDI approval ng bansa.
Ito ang inihayag ni Department of Trade Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa kabila na bumaba ang FDI ng bansa sa unang semester ngayong taon.
Komento rin ito ng kalihim kaugnay sa ulat na bumaba ng 20% ang FDI ng Pilipinas, o katumbas ng $3.9 billion sa unang bahagi ng 2023 kumpara sa kaparehong panahon noong 2022.
Sinabi ni Secretary Pascual ang figures ng FDI sa Pilipinas ay nagpapakita sa desisyon ng mga investors.
Dagdag pa ng kalihim, mula pa noong 2022, mayroon nang consistent na pagtaas ng foreign investment na inaaprubahan ng Board of Investment.
Katunayan, ang kabuuang halaga ng naaprubahang investment mula January hanggang June 2022, ay nasa $1.06 billion.
Nasa $3.28 billion naman mula July hanggang December, 2022
Habang pumalo sa 8.45 billion na investment ang naitalang naaprubahan, mula Januaury hanggang June, 2023.