Manila, Philippines – Mataas ang tiwala ng mga Muslim sa ilang rebeldeng grupo bago sumiklab ang gulo sa Marawi.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Marso, pinaka-tiwala ang Moro Islamic Liberation Front (MILF), na nakakuha ng +74 o excellent.
Sumunod naman ang Moro National Liberation Front (MNLF) na may +50 o very good rating.
Neutral naman ang National Democratic Front (NDF) na may -2 habang nakatanggap ng -19 o poor rating ang New People’s Army (NPA).
Pinakamababa naman ang tiwala ng mga muslim sa mga Abu Sayaff na mayroong -64.
Sa kabuhuang resulta ng survey kung saan kasama ang lahat ng mga pilipino, nakakuha ng negatibong net trust rating ang lahat ng grupo.
Facebook Comments