Tiwala ng mga Pilipino sa China at Estados Unidos, bumaba pa ayon sa SWS Survey

Bumaba pa ang tiwala ng mga Pilipino sa China at Estados Unidos.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 58% ng mga Pilipino ang mayroong maliit lang na tiwala sa China habang nasa 22% lang ang mayroong tiwala.

Katumbas nito ng -36 (negative 36) net trust rating o “bad”


Mababa ito ng siyam na puntos kumpara sa -27 o “poor” noong December 2019.

Ang net trust sa China ay naging positibo lamang sa siyam mula sa 53 surveys na isinagawa ng SWS mula sa unang survey nito noong August 1994.

Bukod dito, bumaba rin ang net trust rating ng Estados Unidos mula sa “very good” o +67 sa December 2019 sa “good” o +42.

Ang trust rating din ng Australia ay bumaba sa “moderate” o +27 mula sa +33 o “good” noong December 2019.

Ang mobile phone survey ay isinagawa mula July 3 hanggang 6.

Facebook Comments