Tiwala ng publiko sa pagbabakuna, unti-unting bumabalik – DOH

Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na unti-unting nawawala ang takot ng publiko sa pagpapabakuna.

Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III, bumabalik na ang tiwala ng mga tao sa Immunization Program ng pamahalaan, halimbawa na lamang sa bakuna kontra Polio na umabot sa 96% ang coverage nito.

Binigyang diin ng kalihim na mahalaga ang pagpapabakuna, kaya hinihikayat niya ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak upang makaiwas sa mga sakit.


Para kay Duque, dapat pa ring suriing mabuti ang pag-alis ng ban sa Dengvaxia.

Nasa kamay na ng Office of the President ang desisyon sa apela ng Sanofi Pasteur.

Noong Agosto, hindi tinanggap ang DOH ang apela ng Sanofi Pasteur dahil sa pagkakabigo ng nasabing kumpanya na magpasa ng mga kinakailangang dokumento patungkol sa mismanagement at assessment ng kontrobersyal na Dengue Vaccine.

Dahil dito, nananatiling Revoke ang Certificate of Product Registration ng Anti-Dengue Vaccine sa Pilipinas.

Facebook Comments