Nakabangon na muli ang immunization coverage sa bansa.
Ito ay kasunod ng kontrobersiya ng Dengvaxia.
Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III – naapektuhan ang immunization program ng pamahalaan dahil sa kontrobersiya.
Pero bumalik na aniya sa 93% ang coverage sa measles.
Matatandaang idineklara ng DOH ang tigdas outbreak sa Metro Manila, Calabarzon, Centra Luzon, Western Visayas at Cenral Visayas.
Tiniyak ng DOH na patuloy ang kanilang efforts na mabakunahan ang mga mag-aaral sa grade school kontra tigdas kasabay ng pagsisimula ng school year 2019-2020.
Facebook Comments