Tiwala ng Senado sa PNP, naglalaho na

Manila, Philippines – Tahasang sinabi ni Senate President Koko Pimentel na bumabagsak at nawawala na ang tiwala ng Senado sa Philippine National Police o PNP.

Ayon kay Pimentel, ito ay dahil sa nakagagalit at nakalulungkot na pagtaas ng mga kaso ng pagpatay sa bansa.

Reaksyon ito ni Pimentel sa survey ng Social Weather Station na 54 percent ng mga Pilipino ay hindi naniniwala sa katwiran ng mga pulis na napipilitan silang patayin ang mga naaaresto nilang suspek dahil nanlalaban.


Hamon ni Pimentel sa PNP resolbahin ang mga kaso ng Extra Judicial Killings.

Facebook Comments