Tiwala ni Pangulong Duterte buo parin ayon sa Malacañang

Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na malaki parin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Economic Adviser na si Michael Yang sa kabila ng akusasyon ni dating Police Superintendent Eduardo Acierto na sangkot si Yang sa operasyon ng iligal na droga.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, mawawala lamang ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Yang kung mapatutunayan ni Acierto ang kanyang akusasyon laban dito.

Sinabi ni Panelo na dapat ay maglabas ng matitibay na ebidensiya si Acierto para mapatunayan na si Yang at ang isa pang nagngangalang Allan Lim ay sangkot nga sa iligal na droga.


Inihayag din ni Panelo na kung totoo ang sinasabi ni Acierto ay dapat matagal na niya itong isinampa sa korte noong konektado pa ito sa PDEA.

Binigyang diin pa ni Panelo na base sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na minsan nang natulog sa bahay ni Yang si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua at kilala ang Chinese

Government na galit sa iligal na droga kaya hinding hindi papayag ang ambassador nito na maiugnay sa kungsinomang sangkot sa iligal na gawain.

Facebook Comments