TIWALA | Palasyo, naniniwalang maipagtatanggol ng pamahalaan sa Korte Suprema ang Martial Law Extension

Manila, Philippines – Tiwala ang palasyo ng Malacanang na makukumbinsi ng pamahalaan ang Korte Suprema na tama ang pagpapalawig ng batas militar sa buong Mindanao.

Ito ang sinabi ng Malacanang matapos magpatawag ng Oral Argument ang Korte Suprema sa susunod na linggo para pagusapan ang Martial Law.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, siguradong maidedepensa ng Solicitor General ang panig ng pamahalaan at ang kahalagahan ng pagpapalawig ng Martial law sa Mindanao.


Tiyak din aniyang papaniwalaan ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang mga paliwanag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kanilang naging basehan ng rekomendasyon kay Pangulong Duterte.

Matatandaan na kinwestiyon sa Korte Suprema ng grupo ni Congressman Edcel Lagman at ng grupo ni Eufemia Campos Cullamat ang one year extension ng Martial Law.

Facebook Comments